Like us on Facebook Follow us on Twitter Watch us on YouTube

Ang Dalawang Mrs. Reyes

TFCmovieswhite

SYNOPSIS:

College sweethearts sina LIANNE (Judy Ann Santos) at GARY REYES (Joross Gamboa). Pagkatapos grumadweyt, nagpakasal na sila dahil nabuntis ni Gary si Lianne. Nagkaroon sila ng anak: si MACEY (Andrea Brillantes).

Nagkakilala sina CINDY (Angelica Panganiban) at FELIX REYES (JC de vera) sa family-owned business ng huli. Sekretarya si Cindy ng mommy ni Felix (Carmi Martin). Nang inalok ng kasal ni Felix si Cindy, hindi na tumanggi ang babae. Sa paglipas ng taon, hindi pa rin sila nagkakaanak. Pressured na pressured si Cindy sa kanyang mother-in-law na bigyan ng anak si FELIX.

Hindi magkamag-anak at hindi rin magkakilala sina Lianne at Cindy ngunit parehong Reyes ang family name nila. Pero dahil sa isang insidente, magkukrus ang landas nina Lianne at Cindy.

Matutuklasan nina Lianne at Cindy na may affair ang kani-kanilang mister… sa isa’t isa. Mga klosetang bading pala sina Felix at Gary at nagpasya na silang magpakatotoo sa kanilang sarili at aminin sa kani-kanilang misis ang tungkol sa kanilang inililihim ni relasyon. Nakapagdesisyon na rin sina Gary at Alex na iwan ang kani-kanilang misis para malaya na silang makapagsama sa isang bubong.

Dahil mukhang malabo nang makipagbalikan pa sa kanila ang mga mister, magsasanib-puwersa ngayon sina Lianne at Cindy para sirain ang relasyon nina Gary at Felix. Iha-hire nila ang escort na si Steve (Nico Antonio) para akitin si Felix. Pero hindi kakagat si Felix sa tukso. Tunay na matibay ang pagsasamahan ng dalawa. Maging si Steve bibilib kina Gary at Felix, at magsisilbing witness pa nang magpakasal ang dalawa sa Taiwan.

Sa inis ni Lianne, susulat siya ng isang mahaba at madamdaming post sa kanyang social media account. Ilalabas niya ang lahat ng himutok sa ginawang panlilinlang at pang-iiwan sa kanila ng mga bading nilang mister.

Magiging viral ang post ni Lianne. Magti-trending at magiging usap-usapan. Makukuha ni Lianne ang simpatiya ng publiko gaya ng inaasahan niya, pero hindi niya akalain na ito rin ang magiging dahilan para malagay sa panganib ang buhay nina Gary at Felix, at maging ng anak niyang si Macey.

Malalaman ni Lianne na isinangga ni Felix ang sarili para iligtas ang kanyang anak. Sising-sisi sina Lianne at Cindy.

Sa dulo, mahirap man ay magagawang patawarin at pakawalan nina Lianne at Cindy sina Felix at Gary. Sa ganitong paraan, parang pinalaya rin nila ang kanilang mga sarili.